Balik ng Magandang Serbisyo

Balik ng Magandang Serbisyo

Pagkatapos kong bilangin ang kanyang ipapa-money bouquet ay nag-abot siya ng 300 pesos. Banggit niya, "Pang meryenda po ninyo." Nang akin itong nakita ay ibinalik ko ito agad sa kanya at siya ay nagulat. "Hindi na po ito kailangan. Ang mahalaga ay balik po kayo. Masaya na po kami doon," sabi ko.
"Sige po, salamat! Ganito na lang. Kung ayaw mo itong tanggapin punta kayo ng Motor Ace. Bibigyan ko kayo ng discount kapag kayo ay nag-avail," banggit ng Panauhin. Napatingin kami sa kanyang uniporme at siya ay naka Motor Ace uniform. Hanggang sa umalis siya ay nakangiti.
Ang sarap o ginhawa sa pakiramdam na sa unang pagkakataon ay in-assist natin sila at sa mga susunod na araw ay lagi na kayong nagkakangitian kapag nagkita kayo sa tindahan. Kahit hindi kilala ang isa at isa. Ang magandang serbisyo na ipinakita sa kanila o sa ating mga panauhin ay siyang magiging dahilan upang sila ay bumalik-balik sa ating tindahan.